Why am I still hurting?

Screenshot_20180130-230333.png
It’s been a month already since the night that I let you go.

I’m still asking myself if I really did, because it still aches every night.

I feel the pain in my chest. I know it will never go away, but somehow I am hoping that I can get used to this kind of pain.

Kumusta ka na kaya?

Naiisip mo rin kaya ako tuwing gabi? Tuwing madaling araw? Tuwing mag-isa ka at walang ginagawa? O tuwing madami kang ginagawa at hindi ka na nga magkanda-ugaga? Naiisip mo rin ba ako?

Siguro nga hindi na. Siguro nga, okay ka na. Wala namang sigurado nung pinutol natin ang ugnayan na meron tayo. Hindi ako sigurado kung kaya ko ba o kakayanin ko. Walang nakakaalam kung anong mangyayari sa ating dalawa pagkatapos ng gabing ‘yon. Pero pagkatapos kitang bitawan, nagflashback lahat. Kung paanong nahulog ang loob ko sayo, kung paano ko binigay yung pinakaiingatan kong “oo”. Ikaw ang una kong pag-ibig na masasabi kong akin. Akala ko pa nga, ikaw na rin ang huli. Di ko naman alam na yun na pala ang huli.

Huling araw ng taon at unang araw ng panibagong taon.

Totoo nga na kung ano ang ginagawa mo sa huling araw, yun na ang gagawin mo buong taon. Ewan. Di ko alam kung maniniwala pa ako dun pero sasabihin kong, umiiyak parin ako. Hinihiling ko parin na sana magkausap parin tayo. Na sana balikan mo ako kung saan tayo natapos, kasi nandito parin ako…

Hindi parin makausad. Stuck up sayo at sa idea na “tayo.”

Umaasa parin ako na babalik ka sakin. Umaasa ako na kung ako naman ang babalik sayo ay may babalikan pa ako. 🙁

Hindi ko alam kung bakit umaasa parin ako.

Hindi naman madamot ang Diyos diba?
Umaasa ako na magkikita tayo sa tamang panahon. Na totoo yung naramdaman mo. Na totoo ang lahat. Na totoo ka.

Even if it’s getting blurry.
Even if it seems impossible now.

Sometimes, you just have to believe, right?

Leave a comment