Isang Bucket ng Bakit

images

Umaga na.
Inumaga na ako kakaisip kung paano sisimulan ang sanaysay na ito

Sanaysay, sanay sayo

Sanay na kung paano mo paulit-ulit na balewalain

Sanay na kung paano ka dumating at paano kang aalis din

Sana’y naihanda ko ang sarili ko

Sana’y napigilan ko ang puso ko’ng mapunit sa pagpupumilit mong buksan ko ito para sayo

Nawawala, bumabalik.
Ngunit nanunumbalik ang pait ng kahapon

Yung mga pangako na dapat na yatang itapon

Yung mga pusong pagal na hindi nabigyan ng pagkakataon

Yung mga alaalang napaglipasan na ng panahon.

Bakit nga ba tayo naghahanap ng sagot sa mismong sagot?

Bakit ba natin sinusundan ng tanong ang bawat tanong?

Walang punto.

Dito sa puntong wala na akong maisulat na tula o sanaysay para sayo.

Wala na ngang maikling kwento dahil tapos na ang ating kwento.

Mga pabula na lamang, sa mundo na nagmistulang gubat
Kung saan tayo nagkahiwalay ng landas
Kung saan tayo naligaw ng daan na dapat nating tinatahak
Saktan pa natin ang isa’t-isa.

Kasi kulang pa.

Oo, alam alam kong kulang pa. Kasi kung sapat na ay hindi na tayo nagtangkang dagdagan pa ang naibahagi natin sa isa’t-isa.

Para kang paborito kong kanta
Totoo ngang kabisado ko pa pero hindi ko na kinakanta pa.

Nakakasawa din pala kapag paulit-ulit mong naririnig. Alam mong matatapos din ang kanta pero nakuha mo pang sumabay sa saliw ng kanyang musika.

Kabisado ko na kaya hindi ko naisip na maaaring magbago ang areglo.

Nawala ako sa tono.

May bahagyang nabago sa mga liriko
Ngunit ito parin naman ang kantang napakinggan ko hindi ba?

Ang dati kong kabisado ay unti-unti na ngang nagbago.

Ah. Baka may bago.

Pero kahit ganito at ganoon ay para sayo parin ang akdang ito.

Madalas parin akong nagtatanong.

Paulit-ulit ding sinasalo ang mga tanong na binabato.

Napupuno ng bakit.
Nagtatanong sa langit.
Bumubulong ng mga daing na ‘bakit hindi makalapit?’

Bakit sa kabila ng mga tanong ay tuloy parin?

Bakit kapag may nawawala ay may dumadating?

Bakit ba hindi tayo nabalaan na may nawawalang bumabalik din?

Bakit kapag may bumabalik ay handa parin tayong sumalubong at tumanggap parin?

Advertisements

God is Sufficient

20180207_125045.jpg
How fake is your laugh and smile as the moment you turn off the lights and put down the binded curtains?

**************************************

Dear God,
I was asking myself earlier if I am really happy.

I would say that it’s hard for me to be happy right now, but I also know that I should be, ‘coz why not?

It’s been a bountiful 21 years of existence, and not everyone can get this kind of privilege. I am lucky enough to reach this age… or should I say, I am really blessed.

I know there are still things that I should consider to let go, there are still areas that I should manage to grow, Yes God, I know and I am really sorry if I still can’t.

Help me nurture my spirit. To give things up and Up. To let go and let God.

I know that I’ve been a stubborn child, I am sorry for every wrong doings and sins that I have committed and am still committing. Sorry for disobedience.

Sorry for sometimes I do things out of selfishness. Sorry for hurting someone’s feelings just to get what I want.

Help me to reach maturity at this age, oh God. To take deep understanding of things. To focus on my personal, mental, and spiritual growth.

Thank you for bringing wonderful people into my life to share my journey with. For my family even if they give me stress and make me emotionally drained, for supportive and loving parents (please give them longer life), for funny and intellectual friends who shares daily struggles with me, for past lovers (particularly Redentor, keep him safe and alive Lord, I want his happiness even if it doesn’t include me anymore.) Thanks for everything!

I can’t thank You enough for loving me as I am. For accepting all my flaws. For accepting me as Your child.

It’s true that there is nothing we can do to stop You from loving us.

Happy Birthday to me, and today, I celebrate it with You. 🤗🙏🙌❤

I am forever grateful for everything you did to my life.

In Jesus’ Name,
Amen.

Why am I still hurting?

Screenshot_20180130-230333.png
It’s been a month already since the night that I let you go.

I’m still asking myself if I really did, because it still aches every night.

I feel the pain in my chest. I know it will never go away, but somehow I am hoping that I can get used to this kind of pain.

Kumusta ka na kaya?

Naiisip mo rin kaya ako tuwing gabi? Tuwing madaling araw? Tuwing mag-isa ka at walang ginagawa? O tuwing madami kang ginagawa at hindi ka na nga magkanda-ugaga? Naiisip mo rin ba ako?

Siguro nga hindi na. Siguro nga, okay ka na. Wala namang sigurado nung pinutol natin ang ugnayan na meron tayo. Hindi ako sigurado kung kaya ko ba o kakayanin ko. Walang nakakaalam kung anong mangyayari sa ating dalawa pagkatapos ng gabing ‘yon. Pero pagkatapos kitang bitawan, nagflashback lahat. Kung paanong nahulog ang loob ko sayo, kung paano ko binigay yung pinakaiingatan kong “oo”. Ikaw ang una kong pag-ibig na masasabi kong akin. Akala ko pa nga, ikaw na rin ang huli. Di ko naman alam na yun na pala ang huli.

Huling araw ng taon at unang araw ng panibagong taon.

Totoo nga na kung ano ang ginagawa mo sa huling araw, yun na ang gagawin mo buong taon. Ewan. Di ko alam kung maniniwala pa ako dun pero sasabihin kong, umiiyak parin ako. Hinihiling ko parin na sana magkausap parin tayo. Na sana balikan mo ako kung saan tayo natapos, kasi nandito parin ako…

Hindi parin makausad. Stuck up sayo at sa idea na “tayo.”

Umaasa parin ako na babalik ka sakin. Umaasa ako na kung ako naman ang babalik sayo ay may babalikan pa ako. 🙁

Hindi ko alam kung bakit umaasa parin ako.

Hindi naman madamot ang Diyos diba?
Umaasa ako na magkikita tayo sa tamang panahon. Na totoo yung naramdaman mo. Na totoo ang lahat. Na totoo ka.

Even if it’s getting blurry.
Even if it seems impossible now.

Sometimes, you just have to believe, right?

Beautiful Season

sunflower


 

Minsan dumadating tayo sa point na kapag yung isang bagay nag-end, parang wala na tayong gana magstart ulit ng panibago.

Minsan sinasabi natin na magiging okay din ang lahat though wala tayong makitang sign ng progress at pagbabago.

Ang meron lang yung sakit na paulit-ulit kang pinipiga sa magdamag kakaisip kung saan ka nagkamali. Yung mga luha na tuluy-tuloy ang pagpatak kakapigil mo sa tunog ng iyak na gusto nang kumawala kasi gusto mo nang magwala. Gusto mong ngumawa. Gusto mong umiyak nang sobrang lakas para bukas magkaroon ka na ulit ng lakas.

Ayaw mo nang makaramdam pero paulit-ulit mong hinahanap yung sakit. Nagiging dependent ka sa isang bagay na nagcoconsume sayo.

At minsan, kahit tapos na, hindi mo parin mapigilang lumingon kung saan ito natapos.

Hindi mo naman kailangang magmadali, you can stay for a while. You can stay as much as you want. Pero wag mong kalimutan na may iba pang bagay na naghihintay sa pagbalik ng ngiti at dati mong sigla.

May mga paalam na hindi na natin kailangan ipaalam. Yung tipong biglang natapos. Yung wala nang paramdam.

Yung pakiramdam na may nakalimutan kang dalhin pero pagbalik mo, hindi mo maalala kung ano yung bagay na nakalimutan mo.

Yung pakiramdam na bigla kang nagising sa nakakapagod na panaginip pero wala kang maalala sa mga nangyari. Ang alam mo lang natulog ka. Naalimpungatan ka pero wala ka pa sa ulirat.

Ganun na lang siguro.

Concept ng paglimot na underrated kumbaga.

Hindi mo na dapat kinakamusta. Hindi. Na. Dapat. Pa.

Kasi para saan? Para i-check kung pareho kayong nasasaktan?

Bottomline.

Nakirot pa. Masakit pa. Nakakamiss.

Pero di na dapat ipilit pa kung wala na talaga.

Parang sugat,

Madalas kumakati pero hindi gagaling kung palagi mong kinakamot.

Umiyak ka lang hanggang sa mapagod ka.

Ngitian mo lang, pagkatapos nito, tatawa ka na.

Tapos. Tapos na.

Change is good

15327353_1802640476658689_911079841096159328_n

“Anyone who thinks that sunshine is pure happiness has never danced in the rain.”

Difficult times in life were often when you learned the most. It is almost, always the necessary path to lead you into something great. It sometimes lead us somewhere our feet has never wandered. As if we are in a foreign land. A battlefield in which we are a complete novice.

It is pure amusement, the first time I set off my feet on the ground after taking a bus ride. What a lovely day! And so, I thought.

I knew I was fine. I had to be fine. I know soon, I will be. The more I say it, the more I’ll believe it, so I’ll get there eventually.

One way to move forward is to leave everything behind. I had to break someone’s heart, when mine already felt shattered into a million pieces. I had to deal with my anxiety. Crying on the bathroom floor with no one to turn to, while all the words we used to say is on repeat. All for days, it was on my mind. All for days, you are on my mind. And I had to say that it’s not about the hurdle we face, but how we overcome it. We learn to fight and go into a battle for what we want. I knew I had to work everything out. Alone.

I was lost. And then you found me.

But suddenly I felt lost in your side. I lost myself in the process of finding you. I was blinded by your light. And I think it was the best way to lose myself.

Your light gets into my brokenness, those tiny cracks you slip in.. but it wasn’t enough. I wanted to shine like you and together, we’ll light up this whole city.

I just realized that it’s okay to be lost sometimes, as long as you have that will to come back, better and stronger. With brighter light.

“If you want to go fast, go alone. If you want to go far, go together.” – African proverb

I am ready to go fast. I want to speed up the time so I can meet you halfway to the farthest we can go, together. I am ready to be the best version of myself, if you could just wait for me.

One day, you will see my light and it will be beautiful, so bright, that it will be worth waiting all those months in the dark for.

I’ve learned not to rush things that needed time to grow. And we both know that I need to grow and be mature enough through life situations. It is something we cannot develop over night and I would like to ask for more days before coming back. I hope that I still have something to come back for, that I am still welcome to come home, because you are home to me.

“Fall down seven times, get up eight.” – Japanese proverb

Everything that I need is just right in front of me, I just have to think differently. This love has taught me so much. We didn’t fall in love, because what we have is something I could rise up for.

I had fall down so many times but it didn’t stop me to get up and continue conquering life, and most of all, it motivates my very existence to excel in life because normal is just a setting in a washing machine and I wouldn’t want to be normal. I wanted to go out in my comfort zone and see the other side of things.

“When you get to the end of the rope, tie a knot and hang on.” – American proverb

Just like how we hold on to something we really want. Hold on tight and never let go…  but I let you go, didn’t I? And you let me too. Your butterfly is on her metamorphosis stage. Ready to accept change. Changes that will alter both our lives forever.. so please, please be patient with me. It will be worth it, I promise you.

We may be on the end of our rope, but soon, we’ll be tying the knot. Hoping and praying.

🙂 I know we will. You put me into this battle and now, I am ready to take charge, just some things are needed to be furnished.

“Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding; In all your ways acknowledge Him, and He shall direct your paths.” – Proverbs 3:5-6

Lastly, this is the best proverb that made me cling to the reality I am in.

Change is good, it is not as scary as it was. Soon I’ll be adapting changes, because for you, I will.

We both know that His plans are better than ours, we may not know what the future holds, but we know who holds it.

A Love That Persisted Through Distance And Time

14440931_1281239708562081_1872987012891445359_n

I’ve always wanted to have that kind of love since I get to know you.

You’re such a wonderful person. You were with me through ups and downs, and it was the happiest roller coaster ride I have ever ridden. And maybe tulad din ng ride sa roller coaster, it has to end, kasi may mga bagong sasakay at gustong makaexperience ng ganoong klase ng ride.

Akala ko nakababa tayo pareho, pero naiwan pala ako sa ere. I was there the whole time, waiting for you to come back. Bumalik ka. At sinabi mong tumalon ako dahil sasaluhin mo naman ako.

Hindi ako nakatalon, natakot ako na baka ‘pag tumalon ako, hindi mo ako masalo. Takot na kasi akong mahulog, takot na akong masaktan at masugatan.. matagal kasi kung maghilom ang mga sugat na naiiwan. But I took the risk to jump. At sinalo mo ako. Walang duda, malakas ka at nagawa mo akong buhatin sa kabila ng bigat at hirap. Sa kabila ng bigat at hirap na dinanas mo, nanatili ang mga kamay mo sa pagkakayakap. Alam ko, gusto mo akong protektahan. Alam kong gusto mong maging madali para sa atin ang dumaan sa mga pagsubok. Pero hindi ikaw si Superman at hindi ako si Wonder Woman, nakakapagod din pala ano? Kasi naramdaman kong nanginginig na ang mga kamay mo. Pabigat na ng pabigat, at walang pasabi, bigla mo akong binitawan.

Hindi kita masisi sa pagbitaw mo dahil alam kong kailangan mo din ng pahinga. Kailangan mo ng oras para ibalik ang lakas na nawala sa’yo. Isa, dalawa, tatlo, at ilang araw na ang lumipas. Naghintay ako, naghihintay ako, at maghihintay parin sa’yo.

Ang puso kong pagal na ngayon lang nagmahal nang ganito, hindi ko alam kung paano patitigilin. Kamatayan na nga yata ang makakapagpatigil sa pagtibok nito para sa’yo. At kung kamatayan rin lang ay handa ako, dahil bawat araw na wala ka ay namamatay ako. Bawat oras na hindi ka makausap ay parang taon ang binibilang ko, bawat minutong lumilipas ay nababawasan din ang pag-asa kong maging sayo, at bawat segundong nasasayang ay talagang pinanghihinayangan ko.

Oo, malayo ka. Napakalaki ng agwat nating dalawa, dahil lupa ako at langit ka. Ninais kong makarating sayo ngunit hindi sasapat ang pinagpatong-patong kong pagkakamali upang lingunin mo ang isang katulad ko. But this heart is a stubborn heart, and it knows nothing much to do, except for missing you, and loving you.

My life has been better since the day I found you, and I don’t know anymore if I could live without you, because you are my sunshine, my wind, and my little rain. You are simply my everything.

At ngayong wala ka na, hindi ko alam kung paano babangon.

Nais ko sanang matulog na lamang nang matagal, nais kong hindi makaramdam ng kahit anong sakit. Nais kong habulin ka sa kabilang dako, nais kong hanapin ka kung saan ka man nagtatago. Nasaktan ka at nasaktan din ako. Ngunit kahit masakit ay patuloy parin ang puso ko sa pag-aalay ng pagmamahal. Naghihintay lang kung may babalik. Nag-aabang sa lilim ng pagkabigo, na baka may makaalala sa isang pangako.

Pangakong habangbuhay na pagmamahalan at pagsasamang walang hanggan.

Umaasa parin ako na darating ang araw na ang pag-ibig natin ay magtatagumpay sa kabila ng distansya at oras na namamagitan.

Hanggang ngayon ay natatakot parin akong makita ka, ngunit mas natatakot akong hindi ka na makita pa.

 

God Never Sleeps

night sky 2

Akala ko noon, napapagod ang Diyos kaya niya kinailangan ng pahinga when he created the universe and all the creatures in it.

Minsan ko na ding naisip na baka busy sya sa pagdinig ng panalangin ng iba kaya hindi niya naririnig ang mga panalangin ko.

Naitanong ko na din sa sarili ko kung “Natutulog nga ba ang Diyos?.”

Ang dami kong tanong… hanggang sa napuno ang isip ko ng pagdududa.

Hinayaan kong manaig ang hindi ko alam tungkol sa kanya, sa mga alam kong katotohanan na naranasan  ko na.

Minahal ako ng Diyos. Ngunit hindi ko siya minahal.

Akala ko noon, tayo lang ang gumagawa ng desisyon sa buhay natin. Mga plano nating maaaring matupad, at ang iba naman ay hinayaan nating hindi matupad.

I was stucked up between choice and destiny. Hindi ko naisip na kasama ang mga ito sa plano. Sa bigger plan na hinanda nya para lang sa akin. Posible pala yon?

Posible pala na ang isang katulad ko ay mahalin nang buo.

Dumating na rin ako sa punto ng buhay ko na parang wala na akong pag-asa. Maraming nawala sa akin habang wala ako sa piling Nya.

Pero hindi talaga nakakalimot ang Diyos sa kanyang mga pangako. Dahil niligtas Nya ako mula sa pagkakalugmok.. binuhat nya ako na parang iniingatang sanggol.

Niyakap niya ako nang mahigpit at sinabi nyang, “Kasama mo ako, kailanman hindi kita iniwan, hinihintay lang kitang bumalik.”

Umiyak ako noon, pero hindi parin ako naniwala… Hindi ko kasi magawang maniwala sa isang bagay na hindi ko nararamdaman at hindi ko nakikita.

Hanggang sa marami nang nagdaan na problema at pagsubok, akala ko kaya ko.. akala ko lang pala. Dahil nung mga panahon na hindi naaayon sa akin ang sitwasyon, Siya ang sinisisi ko. Paano ko ba nagagawang sisihin ang isang bagay na hindi ko pinaniniwalaan?

 

Yes. I was an atheist. Or maybe agnostic.

Before I experienced His miracles.

Siguro, hinayaan nyang maranasan ko ang mga bagay bagay para maging mas matatag at matalino sa pagpapasya. Our God is mighty in power and wisdom.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na gumagalaw pala Siya sa buhay ko, hindi ko lang napapansin because I wasn’t paying attention. Nakafocus ako sa mga problema.

Hindi ako humiling sa kanya ng mga bagay na mayroon ako ngayon, kusa Niya itong binigay based on my needs.

Akala ko noon, mabait lang ang Diyos sa mga tagasunod Niya. Pero pinaramdam Nyang may pakialam Siya sa akin. Sa tulad ko na walang nagawang kabutihan sa loob ng matagal na panahon.

Noong mga panahong nalugmok ako, hindi Siya nakalimot. Nagpadala Siya ng tao na makakatulong sa pag-ayos ko ng nasira kong buhay. (Siguro naiisip mo na hindi naman talaga sira ang buhay ko, overrated ako magkwento, pero totoo. Sirang-sira ako. Halos hindi ako makabangon sa kahihiyan. Gusto ko na lang matapos ang bawat araw na dumadaan, kasi nawala ang halos lahat sa akin.)

Dumating ang guardian angel ko. Muntikan ko na nga siyang hindi pansinin kasi masama ako mag-isip. Hinusgahan ko siya agad. Pero mapilit ang Diyos. Pinilit Niyang makabalik ako sa piling Niya. Akala ko, magugulo lang ang buhay ko sa pagdating ng panibagong tao. Hindi ko inakala na gagawin siyang instrumento ng Diyos para mapabuti ako. Pinaramdam niya sa akin kung paano magmahal at mahalin, kasi totoo siya sa kanyang hangarin.

Siguro kung hindi siya dumating ay huli na ang lahat para sa akin. Ako na nawalan ng dignidad at prinsipyo ay muli niyang binuo. Pinaramdam niya sa akin kung paano ang maging bago. Siya ang instrumento ng Diyos na nais ko ding gamitin upang maipaalam sa inyo kung paano niya ako binago.

(Pwede pala yun? Ang mahalin mo ang isang bagay na hindi mo nakikita. Salamat at pinarealize mo sa akin yun, Red. Na buhay ang Diyos dahil nakikita ko Siyang gumagalaw sa buhay mo. At minahal kita sa kabila ng mga araw at mahahalagang okasyon na hindi tayo nagkikita.)

Minahal niya ako sa kabila ng distansya na namamagitan sa aming dalawa. Sa magkabilang dako ng mundo, binuo ng Diyos ang siya at ako. Ginawa niyang ang Diyos ang aming sentro. “Lagi kang magdasal.” “‘Wag mong kalimutan ang magpasalamat sa Kanya.” “Magsimba ka ngayong araw.” Mga mensahe na sa kanya ko lang natatanggap. Dahil nakita ko kung gaano niya kamahal ang Diyos.

Pero sa kabila ng kabutihan niya ay nagawa ko parin siyang saktan. Hindi ko alam kung paano ko nagawang saktan ang isang katulad niya. Marahil ay natakot ako. Nasanay kasi ako sa mga bagay na malungkot, hindi maganda at masakit kaya hindi ko alam kung paano tanggapin yung mga bagay na pwedeng makapagpasaya sa akin, yung magagandang bagay, yung masarap sa pakiramdam, kasi natatakot ako na baka bawiin ito o baka hindi pala ako deserving.

Nasa kanya ang lahat ng bagay na nais kong makita sa taong gusto kong makasama. Pero nagawa kong saktan ang damdamin niya. Naging makasarili ako at nadala sa atensyon at pag-aalaga na binibigay ng iba. Kasi tanga ako at walang kwenta.

Hanggang sa malaman niya ang lahat ng kapangitan ko. Lahat ng mga bagay na nais kong itago dahil baka hindi niya ako tanggapin kapag nakita niyang hindi pala ako ang hinahanap niya.

Muli akong naguluhan kung nasaan na ba ako. Kung nasaang yugto na ako ng buhay ko.

Yung tao na nagsilbing ilaw ko sa daan papalapit tungo sa Diyos ay unti-unti nang naglalaho. Paano nga ba kung tuluyan na siyang mawala?

Kakayanin ko parin ba? Sasabihin kong oo, kasi tinuruan niya akong maging matatag at kumapit sa Diyos.

At naniniwala ako na hindi kami pababayaan ng panginoon, na sa huli, kami paring dalawa.

Dahil ang Diyos ay hindi natutulog, napapagod, o nagsasawa. Siya ang dakilang lumikha ng lahat at walang imposible sa kanya.